Ang Pagpili ng Isang Anak

0
556

Ito ang ikaapat (4) ng Serye ng Halalan 2022/ Serye ng Eleksiyon 2022 – mga artikulong inilimbag sa White Butterfly bilang paghahanda sa halalan/eleksiyon sa Mayo 2022.

AMANDA T. LISING

Isinalin sa Tagalog nila LYN SORIANO ALMARIO at TERESITA TANSECO-CRUZ.

Sa parating na halalan ng 2022, mahalagang pumili ng kandidatong katulad natin ang mgalayunin at mga pangarap. Sa tutuusin lang, kanino bang kinabukasan ito kundi sa atin?  Daigdig natin ito…

Bayaang umalingawngaw ang mga salita sa iyong isipan… Mundo. Natin.  Habang buhay natin. At NGAYON. 

Hindi ko nilikha ang araw na sumisikat sa langit. Hindi ko nilikha ang puno na umuusbong sa mga buto. Hindi ko nilikha ang daigdig, ang buhay, at lahat ng sakop nito. Siguro naman alam nating ang  Diyos ang gumawa lahat ng ‘yon !

Habang puno ako ng pasasalamat at mangha sa kaniyang kapangyarihan, napapaisip ako bilang anak  ng Diyos. Ako ba kaya ay maaari niyang ipagmalaki? 

Ang pagpili ng buhay na maari niyang ipagmalaki ang magtutulak sa atin na tulungang magtagumpay ang kandidatong magdadala sa atin patungo sa Pilipinas na karapat-dapat sa ating lumikha. Sana, pagdaan ng mga taon, maari nating balikan ang panahong ito, at makita natin ang halaga ng ating boto at kahulugan ng  ating pagpili. Ang mga resulta ay nasa kamay ng Panginoon. Ang mapagkumbabang paksisikap ay sa atin.

 

 

 

 

 

 

PANALANGIN PARA SA HALALANG PAMPANGULO NG PILIPINAS SA 2022

Panginoong Hesus, nakikiusap po kami sa Inyo
nawa’y bigyan po Ninyo kami ng pagkakataong
makabangon sa aming lungkot at pagdurusa
sa panahon ng krisis na dala ng pandemya.

Pagkalooban po Ninyo kami sa darating na halalan,ng isang pinunong mag-aalaga—hindi ng kanyang sarili—kundi ng mga dukha at nangangailangan; isang pinunong may takot sa Diyos, at di sasailalim sa mga pulitikong sakim, magnanakaw, at hipokrito/mapanlinlang.

Iligtas po Ninyo ang aming bayang uhaw sa Iyong pagmamahal at katarungan.
Hiling namin ito sa pamamagitan ng tulong ni Maria, Inyong ina, at amin din.
Amen.